Maraming bagay na pwedeng gamitin yung mga taong problemado para hilahin pataas yung pag-asa nila. Pero lumilipas ang pag-asa. Nasa utak yon 'e. May mga taong may buhay, pero pakiramdam nila wala yung pag-asa. Kaya hindi sa lahat ng pagakataon, totoong habang may buhay, may pag-asa. Ang siguradong sumasabay sa andar ng buhay ay opportunity. Hangga't may buhay, may oportunidad. Iba ang pag-asa sa opportunity. Madaling humugot ng pag-asa sa kung ano-anong bagay at paniniwala, pero mas walang positive effect yan dahil mas hindi alam ng tao kung ano yung mga dapat nyang gawin. Nauubos yung mitsa ng buhay nya sa paghihintay. Pero kung opportunities ang kakapitan, mas malaki ang posibilidad na may pagbabagong mangyare, dahil kailangan kumilos yung tao para gumawa ng oportunidad para sa sarili nya, o kumilos para pakinabangan yung oportunidad na nakahain sa kanya. Pwede din namang maging pang habang-buhay ang pag-asa, kung isasabay sa pagkilos sa bawat opportunity.