Sunday, November 27, 2011

TIPS PARA HINDI KA IWAN NG JOWAERS MO.



(from fwd email)
...
Minsan talaga di natin maiiwasan na darating tayo sa time na magsasawa na satin ang syota natin. Kapag nangyari sayo to, wag ka magpanic repapips, sundin mo lang ang mga tips ko sa ibaba para di ka na iwanan ng pinakamamahal mong jowa..

Tip #1 Magpaganda ka/Magpagwapo ka ng Todo Todo - Baka naman kasi nauumay lang sya sa itsura mo.. Sa sobrang tagal nyo kasing nagsasama, di talaga maiiwasan na magkasawaan. Kaya ang gawin mo, magpamakeover ka. Dalawin mo sina Dra. Belo at ang mag-asawang Calayan. Try mo gumamit ng Likas Papaya o kaya ng Perla kung di mo kayang iafford ang mga papaya soaps. Magbago ka ng hairstyle. Kung ang dating hati ng buhok mo ay sa kanan, ilipat mo naman sa kaliwa. Basta gawin mo lahat para magmukha kang ibang tao, para di sya masuya sayo. Nga pala, try mo ding magtoothbrush, baka yun lang ang problema.

Tip #2 Maging galante ka sa kanya - Bigyan mo sya ng mga mamahaling sapatos, mga mamahaling bag. Regaluhan mo sya ng Havaianas, ng Converse, ng Red Ecko, Jansport bags, Timex watches. Ilibre mo sya sa Manila Hotel. Ilibot mo sya around the world! Malamang sa malamang, magdadalawang isip yan kung iiwanan ka pa nya.

Tip #3 Gayumahin mo sya - Kung nagpaganda ka na at naubos mo na ang pera mo kakalibre sa kanya ngunit, subalit, datapwat, binabalak pa rin nyang ipagpalit ka sa iba, puwes dumiretso ka na sa Quiapo tsong. Kung di sya madaan sa santong dasalan, daanin mo sya sa santong paspasan. Pumasyal ka sa tapat ng Quaipo Church, sa gilid, bandang kanan, medyo malapit sa underpass at hanapin mo si Aling Gelang. Sa halagang isaandaang piso, siguradong maiinlababo na ulit sayo ang iyong iniirog. Ihalo mo lang ang iyong nabiling gayuma sa kanyang pagkain o inumin. At siguraduhin mo lang na sayo sya nakatingin pag nilamon nya nag gayumang nilagay mo.

Kung wala talagang epekto ang mga nasa itaas.. Wala ka ng choice kundi gawin ang nasa ibaba.

Tip #4 Kung sa tingin mo ay triny mo na lahat lahat pero desidido talaga syang ipagpalit ka sa iba, ganito lang ang gawin mo.. UBUSIN MO LAHAT NG TAO SA EARTH! Yung tipong dalawa na lang kayong natitira sa mundong ibabaw. Para no choice na sya kundi pagtiisan ka, di ba? Tingnan na lang natin kung iwanan ka pa nya. Letche sya!

Disclaimer: I will not be liable for any damages you will suffer as a result of following the above tips. Bwahahaha. :))
See more