Saturday, November 26, 2011

THE RETURN



"Back FOR The Future"

Halos one week na ang lumipas pagkatapos mahack ang MgaEpal.com. Dadating ang panahon na magkakaron ng sagot lahat ng katanungan na naka-group hug sa nangyaring yan. Matagal-tagal ding diet ang mga basahero sa araw-araw na panandaliang aliw. Nabanggit na namin na hindi pa magiging kasing active ng dati ang MgaEpal.com dahil kung may oras kami noon para ipagpaliban ang ibang plano para sa site, ngayon gutom kami para sa redemption. Priority namin ngayon ang cross-over mula sa pagiging malabong website, papunta sa pagiging malabong physical at verbal presence. Kung ano man ang hasel na dinala ng hacking incident, magiging panggatong lang yan sa mga susunod na sisindihan namin. Ilang beses na kaming nagpasalamat sa suporta ng mga tao, pero kahit bawat pabasa pa dito, magkaron ng thank you note para sa mga taong umakay sa MgaEpal.com nung nakaraan, kulang yan para maparamdam namin kung gano namin naa-appreciate lahat ng suporta.





Kung ano mang galit ang naramdaman namin sa nangyare, tinaboy ng mensahe galing sa mga tao. Salamat sa mga pampaganang tulad nitong mga 'to.






"Iba pa rin kayo sa mga banat at linya pa lang doon namin kayo mas kilala. Kudos to the 4 ninjas!" -Chino



"We will be expecting you to come back! Apir!" -Emmanskhie



"Aabangan parin namin yan mga sir. Kasama kami sa laban." -Adriel



"Nandito parin kami para sainyo mga idol." -Jomar

 

"Nalungkot talaga ako nung na-hack ang MgaEpal.com. It's like my daily newspaper." -Angelli



"Ibang-iba talaga yung bitaw nyo mga sir. Saludo."-Moreza



"Loyal pa rin kami sa mga totoong ninja!" -Denise



"You will always have my support mga ninja authors. Ang totoong ninja, nadadapa pero babangon at titigas ulit, I mean, magiging mas malakas pa sa bakal at sintatag ng semento Yung parang Epoxy Hehe.. Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo mga mentors!" -Ralph



"Isa ako sa mga solid basahero nyo. Basta't pursigido kayo sa pagbabalik nyo, wala lang sa amin ang nangyari. Ang mas importante ay ang puso nyo sa bagong site niyo." -Harris



"Walang kwenta ang buhay kung walang mgaepal.com.. at ang hirap magtiis araw araw na hind makabasa ng post ng mgaepal.com.. naging habbit n kasi." -Mizraim



"Sige lang Boss Chip, Manong Guard, Bunso at Kulturantado! Hangang sa tuluyan ng makabangon ulit ang site andito lang kami!" -Betty



"Looking forward to all these stuff!" -Glenn



"Aabangan ko yan! miss you! hehe apir po!" -Jen



"Miss ko na mgaepal.com. Kayo lang naman bumubuo ng araw ko pag nababadtrip ako e." -Nuriko



"Nalilimutan kong mag-aral minsan.... pero tong mga ninjang to... naka alarm pa yan sa CP ko hahaha go go go " -Ernesto



"Alam na alam nyong number 1 fan nyo 'ko." -Jepoy

 

"Diba yung Phoenix after mamatay, nabubuhay ulet? That's a perfect analogy for you guys! We're supporting you all the way." -Estella



"Good luck sa pag-create ulit ng bagong mgaepal.com namimis ko yung mga nilalagay nyo. Good luck, more power!!!!!!!" -Denzel



"Silent reader lang ako pero kaht ganon, nakakalungkot ang nangyari. Pero kilala namin kayong 4 na mga ninja. Muli kayong babangon at papaligayahin ulit kaming mga reader!" -Dan



Ang MgaEpal.com ay parang buto. Buto na kailangan ng calcium para tumibay. Yang mga yan at lahat ng message of support na galing sa readers ang nagsisilbing calcium ng MgaEpal.com. Mas tumitibay din ang buto kung nagkakaron paminsan-minsan ng mabigat na pasanin. Sa dami ng mabigat na pinagdaanan ng MgaEpal.com bago pa man yan ma-hack, walang panama sa buto namin ang buto ni Wolverine.



Mas mabilis, mas matibay, at mas maingay ang MgaEpal.com ngayon. Dahil sa nangyare nagkaron kami ng dahilan para gawing itakbo ang dating nilalakad. Gawing mas "apir" ang muntik mag-"disappear". Mas tumalas ang pakikiramdam namin ngayon. At mas nakita namin ang pinasasalamatan naming suporta. Wala kaming pinagsisisihan. Ang dating matibay ay mas patitibayin ng mga diskarte.







"Ang matibay na tao, kayang tibagin ang mga nakaharang sa kanya. Kikilos paabante at titibagin ulit kung may nakaharang pa. Ang madiskarteng tao, gagawing tungtungan ang mga harang para maka-angat sa iba. Hindi lang kikilos paabante, kundi pataas kung saan mas konti ang makakaharang sa kanya." -MgaEpal.com